Ano ang pangyayari sa san diego Noli Me Tangere Kabanata 10: Ang San Diego Pangyayari: Ang kabanatang ito ay naglalarawan sa bayan ng San Diego na kung kikilatisin mabuti ay maihahambing sa bansang Pilipinas sapagkat ang lokasyon at topograpiya nito ay magkapareho. Sa paglalarawan ay masasalamin na ang Pilipinas ay minsang naging sentro ng agrikultura sa tulong ng mga mangangalakal na Intsik ngunit ang naka lulungkot ay marami sa mga dayuhang Intsik na ito ay naging mapagsamantala. Tulad ng Pilipinas, ang bayan ng San Diego ay may maalamat na kasaysayan. Sinasabi na ang bayang ito ay nabili ng isang mayaman na kalaunan ay nagpatiwakal at natagpuang nakabitin sa puno ng balete. Ang kabanatang ito ang nagpapakilala sa bida ng nobelang Noli Me Tangere at kung saan siya nagmula. Ang kanyang ninuno na si Don Saturnino at ang kanyang amang si Don Rafael Ibarra. Gayundin, ang pagsisimula ng kaapihang sinapit ng mga Pilipino sa kamay ng mga prayle noong panahon ni Dr. Jose Rizal. Ang pa...
Mga nag alsang katutubong pilipino laban sa mga kastila Ang pag-aalsa ay dahilan ng hindi pag-sang ayon sa pamamalakad ng pamahalaan. Ang maling pamamahala ng kastila sa bansang Pilipinas ay nagbunga ng pag-aalsa ng mga katutubo nating Pilipino. Ilan sa mga Katutubong Pilipino na nag-alsa laban sa mga kastila Francisco Dagohoy Ang hindi pagbibigay ng kurang si Gaspar Morales ng kristiyanong libing sa kapatid ni Francisco ang nagbunga ng pag-aalsa. Pinatay ni Dagohoy ang pari at hinikayat ang kabaryo na lumaban sa mapang-aping kastila. Juan Ponce Sumuroy (isang Waray) Tinaguriang "Rebelyon ni Sumuroy" ang kanyang ginawang pag-aaklas. Nagsimula ang kanyang pag-aalsa ng sapilitang pagtrabahuhin sila ng kanyang mga kasama sa pagawaan ng barko. Diego Silang Siya at ang kanyang asawang si Gabriela Silang ang namuno sa pagpapalaya ng mga Pilipino. Para sa karagdagang impormasyon: brainly.ph/question/96607 brainly.ph/question/1257514 brainly.ph/question/530797
ipaliwanag ang ibig sabihin ng saknong 20 ibong adarna alam niyang itong tao kahit punot maginoo kung hungkag din ang ulo batong agnas sa palasyo Ibong Adarna - Saknong 20 Alam niyang itong tao kahit punot maginoo kung hungkag din ang ulo batong agnas sa palasyo Ang ibig sabihin nito ay kahit anong ganda o taas ng katungkulan ng isang tao kung mahina ang kaalaman nito ay wala din saysay sa pagpapaunlad ng isang kaharian o lipunan. Itoy isa lamang palamuti sa lipunan o isang bato na walang kakayahang kumilos. Sa panahon ngayon, huwag tayong padala sa mukha ng tao bagkus alamin natin ang kaya nitong gawin; marapat pumili tayo ng may kakayahang mamuno ng bansa na may busilak na puso. Para sa karagdagang impormasyon: brainly.ph/question/3817 brainly.ph/question/1204854 brainly.ph/question/551125
Comments
Post a Comment