Mga Nag Alsang Katutubong Pilipino Laban Sa Mga Kastila
Mga nag alsang katutubong pilipino laban sa mga kastila
Ang pag-aalsa ay dahilan ng hindi pag-sang ayon sa pamamalakad ng pamahalaan. Ang maling pamamahala ng kastila sa bansang Pilipinas ay nagbunga ng pag-aalsa ng mga katutubo nating Pilipino.
Ilan sa mga Katutubong Pilipino na nag-alsa laban sa mga kastila
- Francisco Dagohoy
Ang hindi pagbibigay ng kurang si Gaspar Morales ng kristiyanong libing sa kapatid ni Francisco ang nagbunga ng pag-aalsa. Pinatay ni Dagohoy ang pari at hinikayat ang kabaryo na lumaban sa mapang-aping kastila.
- Juan Ponce Sumuroy (isang Waray)
Tinaguriang "Rebelyon ni Sumuroy" ang kanyang ginawang pag-aaklas. Nagsimula ang kanyang pag-aalsa ng sapilitang pagtrabahuhin sila ng kanyang mga kasama sa pagawaan ng barko.
- Diego Silang
Siya at ang kanyang asawang si Gabriela Silang ang namuno sa pagpapalaya ng mga Pilipino.
Para sa karagdagang impormasyon:
Comments
Post a Comment