Ano Ang Pangyayari Sa San Diego
Ano ang pangyayari sa san diego
Noli Me Tangere
Kabanata 10: Ang San Diego
Pangyayari:
Ang kabanatang ito ay naglalarawan sa bayan ng San Diego na kung kikilatisin mabuti ay maihahambing sa bansang Pilipinas sapagkat ang lokasyon at topograpiya nito ay magkapareho. Sa paglalarawan ay masasalamin na ang Pilipinas ay minsang naging sentro ng agrikultura sa tulong ng mga mangangalakal na Intsik ngunit ang naka lulungkot ay marami sa mga dayuhang Intsik na ito ay naging mapagsamantala. Tulad ng Pilipinas, ang bayan ng San Diego ay may maalamat na kasaysayan. Sinasabi na ang bayang ito ay nabili ng isang mayaman na kalaunan ay nagpatiwakal at natagpuang nakabitin sa puno ng balete. Ang kabanatang ito ang nagpapakilala sa bida ng nobelang Noli Me Tangere at kung saan siya nagmula. Ang kanyang ninuno na si Don Saturnino at ang kanyang amang si Don Rafael Ibarra. Gayundin, ang pagsisimula ng kaapihang sinapit ng mga Pilipino sa kamay ng mga prayle noong panahon ni Dr. Jose Rizal. Ang panahon kung saan ang karamihan sa atin ay hindi pa pinapanganak at ang makasaysayang bahagi ng ating nakaraan. Naglalarawan din ang kabanatang ito ng pagsasalin ng pamumuno mula sa ama ni Don Rafael na si Don Saturnino hanggang sa panahon ni Crisostomo Ibarra.
Read more on
Comments
Post a Comment