Ano Ang Nais Ipabatid Ni Jose Rizal Sa Kabanata 24 Ng Noli Me Tangere?

Ano ang nais ipabatid ni Jose rizal sa kabanata 24 ng noli me tangere?

Noli Me Tangere

Kabanata 24: Sa Kagubatan

Sa kabanatang ito nais na ipabatid ni Rizal na ang mga kura ay tulad din ng isang pangkaraniwang tao na merong pagnanasa. Tulad na lamang ng pagnanasa ni Padre Salvi kay Maria Clara. Sa kabila ng katotohanan na si Maria Clara ay kasintahan na ni Ibarra, hindi pa rin siya nilulubayan ni Padre Salvi. Katunayan, natuwa pa ito ng imbitahan ni Ibarra na sumama sa piknik habang si Maria Clara naman ay nakakaramdam na ng pagkailang sa kura. Ang kanyang lihim na pagsunod sa kagubatan at lihim na pagmamanman kay Maria Clara ay bahagi ng kanyang pagnanasa sa dalaga.

Nais din ipabatid ni Rizal sa kabanatang ito na ang mga kura kadalasan ay ginagamit ang kanilang kapangyarihan upang pasakitan ang iba at ipilit ang kanilang paniniwala. Tulad na lamang ng ginawa ni Padre Salvi sa mga magkakaibigan na naglalaro ng gulong ng kapalaran. Pinunit niya ang aklat sabay sabing kasalanan ang maniwala sa nilalaman ng aklat na iyon. Kung sana ay hinayaan na lamang niya ang mga kabataan sa kanilang paniniwala. Ito ang nais puntuhin ni Rizal, ang pag uugali ng mga prayle na mapaniil at walang respeto sa damdamin at paniniwala ng iba.

Read more on

brainly.ph/question/2135306

brainly.ph/question/2094958

brainly.ph/question/2131730


Comments

Popular posts from this blog

Alamat Ng Katana At Ang Mga Tauhan Nito

"Ipaliwanag Ang Ibig Sabihin Ng Saknong 20 Ibong Adarna Alam Niyang Itong Tao Kahit Punot Maginoo Kung Hungkag Din Ang Ulo Batong Agnas Sa Palasyo"

"Ano Ang Mga Epekto Ng Nepotismo Sa Sarili At Sa Lipunan? Paano Natin To Masosolusyunan?"