Anu Ano Ang Mga Pangarap Ni Kabesang Tales Para Sa Kanyang Mga Anak?

Anu ano ang mga pangarap ni kabesang tales para sa kanyang mga anak?  

El Filibusterismo

Kabanata 4: Kabesang Tales

Walang ibang pangarap si kabesang Tales para sa kanyang anak na si Huli kundi ang makapag aral at makapagtapos upang maging katulad ito ni Basilio na kanyang kasintahan na malapit ng makapagtapos ng medisina. Nang maging kabesa ng barangay si Tales, nagsimula itong yumaman. Sa kanyang pagtitiyaga, natutunan niya na makisama sa mga namumuhunan sa bukid upang makapag ipon. Nang siya ay magkaroon ng sariling ipon, naisipan niyang bilhin ang isang gubat na nabatid niyang walang nagmamay ari. ginawa niyang tubuhan ang gubat na ito. Mula sa kita ng tubuhan ay sinikap niyang itaguyod ang amang si Tandang Selo at anak na si Huli.

Sa puso ni Tales hindi niya nais na mapunta ang lupa sa iba kaya naman pati ang kanyang buhay ay inialay niya rito. Kinalaban niya ang mga prayle upang mapanatili ang pagmamay ari ng lupang sinasaka. Binantayan niya ang lupa at inarmasan ang sarili upang walang sinuman ang makapanggulo sa kanila. Subalit sadyang mapaniil ang mga prayle sapagkat hinayaan nila ang mga tulisan na lukubin ang kanyang tahanan at si Tales ay madakip ng mga ito upang maging bihag. Walang nagawa ang matanda kundi ang ipaubaya ang sarili at iwan ang lupang labis niyang minahal.

Read more on

brainly.ph/question/2135199

brainly.ph/question/2140990

brainly.ph/question/1298008


Comments

Popular posts from this blog

Alamat Ng Katana At Ang Mga Tauhan Nito

"Ipaliwanag Ang Ibig Sabihin Ng Saknong 20 Ibong Adarna Alam Niyang Itong Tao Kahit Punot Maginoo Kung Hungkag Din Ang Ulo Batong Agnas Sa Palasyo"

"Ano Ang Mga Epekto Ng Nepotismo Sa Sarili At Sa Lipunan? Paano Natin To Masosolusyunan?"