"Ano Ang Mga Epekto Ng Nepotismo Sa Sarili At Sa Lipunan? Paano Natin To Masosolusyunan?"

Ano ang mga epekto ng nepotismo sa sarili at sa lipunan? Paano natin to masosolusyunan?

ANO NGA BA ANG MGA EPEKTO NG NEPOTISMO SA SARILI AT SA LIPUNAN? PAANO NATIN ITO MASOSOLUSYONAN?

Ayon sa wikipedia,ang nepotismo ay

ay isang anyo ng paboritismong ibinibigay sa mga..

1.) kamag-anak

2.)kaibigan

-Kadalasan na,ito ang gawain ng isang nasa posisyon o mayamang tao.

-Naglalaan lamang siya ng pagpapasa ng posisyon o kayamanan sa kaniyang malalapit na kamag-anak at kaibigan.

-Hindi na nila tinitingnan ang kakayahan ng isa kung ito ba ay karapat-dapat.

Halimbawa nito ang pagpili ng mga kamag-anakan para mailagay sa isang tungkulin o hanapbuhay.

PINAGMULAN NG NEPOTISMO

Ang salitang nepotismo ay nagmula sa salitang Latin na nepos na may kahulugang "pamangkin na laláki".

Ang salitang nepotismo ay nagmula sa pagsasanay sa simbahang katoliko Romano noong mga gitnang panahon nang ang ilang mga papa ng simbahang katoliko na may mga panata pero walang anak, ay nagbigay ng posisyon sa kanilang malalapit na kamag-anak o pamangkin para sa pagkakardinal.

Kadalasan na, ang gayong mga pagpabor ay paraan ng mga papa para sa pagpapatuloy ng dinastiya ng papa.

Ang nepotismo ay umiiral din sa mga nagnenegosyo.Ipinapasa din nila ito sa malalapit na kaibigan at mga kamag-anak.

EPEKTO

Maarami ang hindi nabibigyan ng pagkakataon para magawa ang isang atas na mas marahil ay mas alam nilang gawin.Nagkakaroon din ng diskriminasyon sa pagitan ng kapwa tao at sa lipunan.

SOLUSYON

Kung mabibigyan ng pagkakataon ang iba,marahil ay mas malaki ang mai-ambag nila sa ilang mga atas at gawain na alam nilang gawin. Mawawala din ang diskriminasyon sa tao at sa lipunan.

Kaya naman,ang nepotismo ay isang anyo pagpili o pagpabor sa isang malapit na kapamilya o kaibigan para magpatuloy ang negosyo,posisyon o tungkulin nang hindi tinitingnan ang kakayahan nito na gampanan ang kanyang magiging atas.


Comments

Popular posts from this blog

Alamat Ng Katana At Ang Mga Tauhan Nito

"Ipaliwanag Ang Ibig Sabihin Ng Saknong 20 Ibong Adarna Alam Niyang Itong Tao Kahit Punot Maginoo Kung Hungkag Din Ang Ulo Batong Agnas Sa Palasyo"