Alamat ng katana at ang mga tauhan nito Answer: Alamat ng Katana Bago ang panahon ng mga metal na armas, ang ginagamit na pang protekta sa kanilang sarili at mga pananim ng isang malayong nayon ay espadang patpat. Si Kiru ang tinaguriang pinakamagaling na mandirigma at guro sa sining ng patpat. Nakapangasawa si Kiru ng isang magandang dilag na nagngangalang Katsume at nag bunga ang kanilang pagmamahalan ng kambal na sina Kat at Ana. Ang kanilang ama ay nanghinayang na puro babae ang kanyang mga anak at walang magmamana ng kanyang posisyon bilang pinakamagaling na mandirigma at guro sa nayon nila. Ngunit dahil sa kagustuhan ng kambal na ipagmalaki sila ng kanilang ama ay nagsanay sila ng palihim. Ang nayon ng Midea ay katabi ng isang baryo sa tabing dagat. Isang kabilugan ng buwan ay tumakas ang kambal mula sa kanilang bahay at natutulog nilang mga magulang upang magsanay gamit ang patpat. Sa kalagitnaan ng gabi ay may dumakong barko sa baryo malapit sa Midea...
ipaliwanag ang ibig sabihin ng saknong 20 ibong adarna alam niyang itong tao kahit punot maginoo kung hungkag din ang ulo batong agnas sa palasyo Ibong Adarna - Saknong 20 Alam niyang itong tao kahit punot maginoo kung hungkag din ang ulo batong agnas sa palasyo Ang ibig sabihin nito ay kahit anong ganda o taas ng katungkulan ng isang tao kung mahina ang kaalaman nito ay wala din saysay sa pagpapaunlad ng isang kaharian o lipunan. Itoy isa lamang palamuti sa lipunan o isang bato na walang kakayahang kumilos. Sa panahon ngayon, huwag tayong padala sa mukha ng tao bagkus alamin natin ang kaya nitong gawin; marapat pumili tayo ng may kakayahang mamuno ng bansa na may busilak na puso. Para sa karagdagang impormasyon: brainly.ph/question/3817 brainly.ph/question/1204854 brainly.ph/question/551125
Mga nag alsang katutubong pilipino laban sa mga kastila Ang pag-aalsa ay dahilan ng hindi pag-sang ayon sa pamamalakad ng pamahalaan. Ang maling pamamahala ng kastila sa bansang Pilipinas ay nagbunga ng pag-aalsa ng mga katutubo nating Pilipino. Ilan sa mga Katutubong Pilipino na nag-alsa laban sa mga kastila Francisco Dagohoy Ang hindi pagbibigay ng kurang si Gaspar Morales ng kristiyanong libing sa kapatid ni Francisco ang nagbunga ng pag-aalsa. Pinatay ni Dagohoy ang pari at hinikayat ang kabaryo na lumaban sa mapang-aping kastila. Juan Ponce Sumuroy (isang Waray) Tinaguriang "Rebelyon ni Sumuroy" ang kanyang ginawang pag-aaklas. Nagsimula ang kanyang pag-aalsa ng sapilitang pagtrabahuhin sila ng kanyang mga kasama sa pagawaan ng barko. Diego Silang Siya at ang kanyang asawang si Gabriela Silang ang namuno sa pagpapalaya ng mga Pilipino. Para sa karagdagang impormasyon: brainly.ph/question/96607 brainly.ph/question/1257514 brainly.ph/question/530797
Comments
Post a Comment