Alamat ng katana at ang mga tauhan nito Answer: Alamat ng Katana Bago ang panahon ng mga metal na armas, ang ginagamit na pang protekta sa kanilang sarili at mga pananim ng isang malayong nayon ay espadang patpat. Si Kiru ang tinaguriang pinakamagaling na mandirigma at guro sa sining ng patpat. Nakapangasawa si Kiru ng isang magandang dilag na nagngangalang Katsume at nag bunga ang kanilang pagmamahalan ng kambal na sina Kat at Ana. Ang kanilang ama ay nanghinayang na puro babae ang kanyang mga anak at walang magmamana ng kanyang posisyon bilang pinakamagaling na mandirigma at guro sa nayon nila. Ngunit dahil sa kagustuhan ng kambal na ipagmalaki sila ng kanilang ama ay nagsanay sila ng palihim. Ang nayon ng Midea ay katabi ng isang baryo sa tabing dagat. Isang kabilugan ng buwan ay tumakas ang kambal mula sa kanilang bahay at natutulog nilang mga magulang upang magsanay gamit ang patpat. Sa kalagitnaan ng gabi ay may dumakong barko sa baryo malapit sa Midea...
Comments
Post a Comment