Bilang Persona, Ano Ano Ang Ginagawa Upang Malinang Ang Iyong Pagka Sino

BILANG PERSONA, ANO ANO ANG GINAGAWA UPANG MALINANG ANG IYONG PAGKA SINO

Answer:

Bilang persona at pagiging isang tao, ang bawat isa sa atin ay kakayahang magpakatao, linangin ang ating pagkasino at taglayin ang katangiang makapagsasabing ikaw ay isang mabuting taong anak at nilikha ng Panginoon sa pamamagitan ng paggawa sa mga sumusunod;

  • Pagkakaroon ng takot sa Diyos.
  • Pagkakaroon ng paggalang at pagmamalasakit sa kapwa.
  • Pagiging mapagpakumbaba sa lahat ng pagkakataon.
  • Pakikipagtulungan sa kapwa kahit na sa simple at maliit na paraan.
  • Pagiging isang malayang tao na naipapahayag ang mga saloobin at nararamdaman.
  • Pagkakaroon ng tiwala sa sarili na kakayanin ang lahat ng hamon at pagsubok sa buhay.
  • Pinipiling maging isang mabuting tao at magpakabuti sa lahat ng oras at pagkakataon.
  • Pagbabahagi ng mga bagay na mayroon ka sa kapwa.
  • Handa sa mga pagsubok at suliraning darating.
  • Handang tumanggap ng mga opinyon ng iba.
  • Handang magmahal at masaktan.
  • Pagpili ng tamang desisyon sa buhay at gawin ang tama at mas makabubuti hindi lamang para sa ating sarili kundi para sa lahat.
  • Pagtanggap sa mga bagay na mayroon at kayang ibahagi sa iba.

Ang ating pagiging sino at ang buhay na ibinigay at kaloob ng Diyos ay dapat nating linangin, ingatan at pahalagahan. Ito ay kanyang ibinigay upang ating magampanan ang mga gusto nating makamit. Dapat ay huwag tayong matakot makipagsapalaran at makita ang mundo upang mas lumawak pa ang ating karanasan at pananaw sa buhay.

Para sa karagdagan pang kaalaman, magtungo sa link na:  

Kahalagahan ng Buhay: brainly.ph/question/737245

Kahalagahan ng Buhay ng Tao: brainly.ph/question/1394028

#LetsStudy  


Comments

Popular posts from this blog

Alamat Ng Katana At Ang Mga Tauhan Nito

"Ipaliwanag Ang Ibig Sabihin Ng Saknong 20 Ibong Adarna Alam Niyang Itong Tao Kahit Punot Maginoo Kung Hungkag Din Ang Ulo Batong Agnas Sa Palasyo"

"Ano Ang Mga Epekto Ng Nepotismo Sa Sarili At Sa Lipunan? Paano Natin To Masosolusyunan?"