Slogan About Gadgets 300 Words
Slogan about gadgets 300 words
Anot hindi mahanap nakakatulilig na ingay,
"Tila durog na ako", aniya ni Keypad na puro latay,
"Lagi akong nakabaluktot", dagdag ni Kamay,
Si Mata umamin, "Sa screen, di pa din ako sanay"
Si Oras ang tumapos, "Akoy sa inyo malapit ng magba-bye"
Ahh.. kaya pala, Si Gadget ay laging nasa kamay.
Paliwanag:
Ang slogan ay mapapansing gumamit ng pabula. Ang paggamit ng mga bagay upang bigyang kahulugan ang isang paksa. Ang walang limitasyong paggamit ng gadget ay isang suliranin ng mga users ngayon. At tila ba ang mga binanggit na tauhan sa slogan ay umaangal na dahil dito.
Makikita ang sintomas ng sobrang paggamit ng gadget. Ang ilan dito ay ang mga sumusunod:
Ang mga daliri na laging ginagamit sa pagta-type sa iyong gadget ay nasa iisang galaw at posisyon. Ang mahabang panahon na nasa ganitong kalagayan ang mga daliri at kamay o balikat ay maaaring magkaroong ng depekto bilang ang metacarpal o metatarsal tunnel syndrome. Gayundin ang paglabo ng mga mata o pagiging sensitibo nito sa liwanag ng screen.
Pagkaubos ng oras. Maaaring makikita mo ito sa hindi natatapos na mga gawain sa bahay, paaralan o trabaho. Kadalasan ng mababa ang kanilang mga performance sa trabaho, mababa ang grado o kaya ay ang madalas na pagsasabi ng "mamaya na" para sa mga gawaing-bahay. Bakit? Hati ang kanilang focus, kulang sa tulog.
Sa mga ito, muling dapat suriin ng isa kung sulit nga ba na ibigay sa gadget ang buong atensyon at panahon ng isa? Kung magsisikap ang isa na orasan ang kaniyang paggamit ng gadget, di kaya ay kumita pa siya? o di kaya ay nakatapos na siya ng isang proyekto? o di kaya ay nakasama pa siya sa mga may awards? o umasenso kaya?
Hindi kalabisan iyon dahil ang oras ay may halaga. Binabayaran ito. At baka sa huli mo na lamang malaman na ikaw pa ang nagbayad.
Comments
Post a Comment