Lahat Ng Bagay Sa Mundo Ay Permanente At Hindi Nagbabago., Tama O Mali?
Lahat ng bagay sa mundo ay permanente at hindi nagbabago.
Tama O Mali?
LAHAT NG BAGAY SA MUNDO AY PERMENENTE
Sa aking pananaw mali ang pahayag na "lahat ng bagay sa mundoy permanente o hindi nagbabago" sapagkat ang mga nangyayari sa ating kapaligiran ay dulot ng mga pagbabagong nagaganap sa atin bilang isang indibidwal. Ayon nga sa isang pilosopiya ang tanging hindi nagbabago sa mundo ay ang pagbabago sapagkat lahat ng ating ginagawa, gusto sa buhay at ninanais nating makamit ay nagbabago paglipas ng mga panahon. Ngunit ang pananatili ng mga pagbabagong iyon ay hindi natin napipigilan kundi sumasabay tayo sa kung ano ang mga pagbabagong nagaganap sa ating paligid.
Isa na rito ang pag-unlad ng teknolohiya, noon mayaman ka na kapag mayroon kang basic phone na nagagamit upang tumawag at magtext sa iyong mga mahal sa buhay. Subalit sa paglipas ng panahon marami na ang mga naglabasang uri ng cellphone at magagandang klase kung kayat bilang isang indibidwal ninanais natin na magkaroon ng mga bagong labas na unit kung kayat bibili tayo upang makasabay sa uso at napapanahon na mga kagamitan.
Gayundin sa pag-aaral unti-unting nagbabago ang ating sistema ng edukasyon at kasabay ng pagbabagong ito ay ang pagkakaroon natin ng mga bagong kaalaman. Hindi rin maaalis na darating ang panahon na magtatapos tayo ng pag-aaral. Kasabay ng pagbabagong ito sa ating buhay ang paghahanap ng trabaho na mapagkukunan natin ng ating mga pangangailangan sa pang-araw-araw. Dahil dito hindi natin masasabi na lahat ng bagay ay permanente sapagkat lahat ng bagay sa mundo ay nagbabago.
#LetsStudy
Comments
Post a Comment