Anu ano ang mga pangarap ni kabesang tales para sa kanyang mga anak? El Filibusterismo Kabanata 4: Kabesang Tales Walang ibang pangarap si kabesang Tales para sa kanyang anak na si Huli kundi ang makapag aral at makapagtapos upang maging katulad ito ni Basilio na kanyang kasintahan na malapit ng makapagtapos ng medisina. Nang maging kabesa ng barangay si Tales, nagsimula itong yumaman. Sa kanyang pagtitiyaga, natutunan niya na makisama sa mga namumuhunan sa bukid upang makapag ipon. Nang siya ay magkaroon ng sariling ipon, naisipan niyang bilhin ang isang gubat na nabatid niyang walang nagmamay ari. ginawa niyang tubuhan ang gubat na ito. Mula sa kita ng tubuhan ay sinikap niyang itaguyod ang amang si Tandang Selo at anak na si Huli. Sa puso ni Tales hindi niya nais na mapunta ang lupa sa iba kaya naman pati ang kanyang buhay ay inialay niya rito. Kinalaban niya ang mga prayle upang mapanatili ang pagmamay ari ng lupang sinasaka. Binantayan niya ang lupa at inarmasan ang sar...
Comments
Post a Comment