Bakit Mahalagang Isabuhay Ang Pangangalaga Sa Kalikasan? Ipaliwanag
Bakit mahalagang isabuhay ang pangangalaga sa kalikasan? Ipaliwanag
BAKIT NGA BA MAHALAGANG ISABUHAY ANG PANGANGALAGA SA KALIKASAN?
Mahalagang isabuhay ito dahil dito tayo umaasa para sa lahat ng kailangan natin. Gaya ng tubig,pagkain at lupang pagtatayuan ng mga bahay.
Mahalaga din na isabuhay ito para mapanatili ang balanseng pagkakagamit sa yaman ng kalikasan. Gaya ng hindi pagabuso sa sobrang pagpuputol ng kahoy,sobrang paghuhukay para sa pagmimina at sobrang pagtatayo ng mga gusali na nagiging dahilan ng kawalan ng lupang masasaka.
Mahalagang isabuhay ito dahil kung pangangalagaan natin ng tama ang ating kalikasan,maraming benipisyong pwedeng makuha ang tao. Gaya ng sariwang hangin,malinis na tubig,ilog at dagat,malinis na kapaligiran,matabang lupa na pwedeng pagtamnan ng sari-saring prutas at gulay.
Mahalaga din na isabuhay ito para makinabang din ang mga hayop. Magkakaroon sila ng lugar para maging tirahan na hindi gagambalain ng tao.Magkakaroon din sila ng sapat na pagkain. Magkakaroon din sila ng malinis at magandang paligid.
Bilang konklusyon,lahat tayo ay magkakaroon ng magagandang pakinabang kung isasabuhay ntin ang pangangalaga sa ating kalikasan. Magkakaroon tayo ng sapat na suplay ng pagkain,malinis na tubig,malinis na mga ilog at dagat,magandang lupa na pwedeng tayuan ng mga bahay at taniman ng masasarap at masusustansyang pagkain,malulusog na hayop,magandang kapaligiran at tirahan para sa kanila.
Comments
Post a Comment